Almost one year pa lang mula nang matuto akong sumakay at magmaneho ng motorsiklo. Sa tulong ng kapatid ko at sa mga tutorials at videos mula sa internet ay natuto ako nito after one month mula nang bilin namin ang sasakyan last year. Two years to pay ito at meron pa akong natitirang mahigit one year para bayaran ito.
Noong una ay ang free helmet na kasama ng motorsiklo lang ang gamit ko sa tuwing magda drive ako nito. May kamahalan kasi ang mga gamit sa pagmamaneho kaya hindi ako bumili nito at sa isip ko ay maliit lang naman siguro ang chance na ako ay maaksidente. Maingat kasi ako at mabagal magpatakbo ( mabilis na siguro ang 60KPH) kaya't hindi ako gumamit ng mga ito. Naisip ko rin na parang ang hirap kumilos kung magsusuot ako ng protection at baka mas lalo lang akong maaksidente dahil dito.
Pero sa totoo lang ay magandang tingnan ang isang rider na may protective gear sa katawan. Dagdag pogi points sabi nga ng ibang mayayabang na riders kaya kahit paano ay parang gusto ko ring magsuot nito.Marami din akong nababalitaan na naaaksidente sa pagmomotor kung kaya pinag-isipan ko rin ang pagbili ng mga gamit na ito.
May nag advise pa nga sa akin na ang bilin ko ay yung original na sa halip na yung mga nakikita sa mga bangketa ng Quiapo. Pero kung titingnan mo ay parang wala naman pinagkaiba yung mga itinitinda dun kung ikukumpara sa original na sinasabi nila.Ewan ko kung mali ako pero ito ang pinili kong bilin noong minsan na pumunta kami ng asawa ko sa Quiapo. Isang pares na "Pro-Biker" gloves, isang pares na "Fox" armor sa braso at siko, at isang pares naman para sa binti at tuhod. Ang kulang ko na lang ay ang "full face helmet" na sabi ko ay next time ko na lang bibilin.
Pagkatapos noon ay excited akong umuwi ng bahay para masubukan agad ang bagong biling gamit. Hindi ko kasi dinadala ang motor pag kasama ko ang asawa ko. Dali-dali kong isinuot ang mga ito pagdating ng bahay at gaya ng inaasahan ko, medyo mahirap nga kumilos pag nakasuot ang mga ito at medyo nagmukha pa akong robot.
Pagkatapos tumingin sa salamin ay mabilis akong sumakay sa motor. Pinaandar ko ang sasakyan at pumunta sa Vito Cruz at bumalik din agad para lang magka idea ako kung ano feeling ng magdrive na may suot na protective gear. Medyo ok na rin at inisip ko na lang na kailgangan ko ito makasanayan para na rin sa aking protection.
So for the next few days, ginamit ko yung protective gear. Medyo nakakaasiwa din pala pero tiniis ko na lang. Hanggang sa dumating yung araw na kailangan ko na ulit maghulog nung monthly ko sa motor. As usual, nagmotor ako papunta doon kahit medyo late na nung araw na iyon. Ok naman biyahe ko papunta doon. Noong pauwi na ako, medyo nag-alanganin ako kung sa saan ako dadaan. Kasi medyo late na nga at alam kong lalong traffic na dun sa dati kong daanan pauwi.
Nag-decide ako na sa Taft Avenue na lang ako dumaan. Tapos nung malapit na ako sa may kanto ng Taft at Kalaw, nagulat na lang ako nang makita ko na may paparating na taxi sa bandang kanan ko. Napakabilis ng sumunod na pangyayari. Nakita ko na lang na nasa semento na ako at yung motor ko ay nakatumba na. May narinig pa nga ako na mga tao na napasigaw.
Ang unang reaction ko nung may mga taong lumapit sa akin ay tanungin sila kung may dugo ba ako. May mga bata din na nag-usyoso at nagsabi "Kuya, buti na lang may suot kang ganyan.". Gumulo ang isip ko, tinanong ako ng taxi driver kung ok lang daw ako. Wala naman daw nangyari sa mga pasehero niya.
Hindi ko alam kung sino saming dalawa ang nagkamali sa pangyayaring iyon. Pero natapos naman ang lahat sa mabuting usapan kahit nagastusan ako. Ok na sa aking iyon, ang importante ay walang nasaktan.
Noon ko nasip na saktong-sakto ang pagkakabili ko ng protective gear. Noon ko naisip na kailangan doble ingat ako at napakabilis ng mga posibleng mangyari. Bumili ako agad ng full face helmet at ng spine protector. Mula noon ay hindi na ako nagmamaneho ng motor na walang protective gear sa katawan.
Ang payo ko sa lahat ng mahilig magmotor lalo na sa mga kabataan na mabibilis magpatakbo na parang walang takot, mag ingat sa pagmamaneho. Kahit man lang helmet sana magsuot kayo, hindi biro ang madisgrasya at lalong hindi biro ang makadisgrasya.
No comments:
Post a Comment