Ang hirap talaga, ang daming kailangan. Ang dami naming work sa company ngayon.
Kailangan magbasa , sumagot ng e-mail at mag process ng e-mail requests. Kailangan sumagot ng phone, mag update ng inventory, mag update at mag submit ng reports. Kailangan ma meet ang deadlines, ma complete ang projects, meeting dito meeting doon, mag troubleshoot at mag solve ng problems. Kailangan din mag research at mag experiment.
Ang hirap pag nagkakasabay, nakakalito at nakakaloko. Parang feeling mo lagi kang busy pero parang wala ka din naman masyadong naa-accomplish. Hindi ko na nga alam kung minsan kung tamad lang ba ako, or kung wala akong alam sa work namin or kung hindi ako efficient na employee kaya ako nahihirapan or kung talagang normal lang na mag fail ako sa dapat kong gawin. Tapos kung minsan mapapagalitan pa kapag meron hindi nagawa. Kung pwede nga lang mag resign ginawa ko na. Sa hirap ng buhay ngayon hindi pwede na mawalan ng trabaho. Meron na ako maliit na business ngayon pero hindi sapat ang kita namin doon para mag decide ako na mag resign.
Hindi naman ako pwede umasa sa suerte at lalo na sa lotto. At sa totoo lang, gusto ko na talaga makawala sa 'tali' ng kompanya. Kaya lang naisip ko mas mahirap yung wala tayong maaasahang income. Pero sa isang banda, kailangan ko bang pahirapan ang sarili ko ng husto para kumita ng pera? Mabuti na lang at may mga kasama ako sa work na matiyaga at gusto ring matapos ang lahat ng mga kailangang gawin, salamat sa inyo mga kasama ko, alam nyo kung sino kayo.
Sa ngayon, ang magagawa ko lang ay pagbutihin ang work sa company at ayusin din yung maliit na business namin ng asawa ko. Pero sana dumating yun time na pwede na ako mag resign at mag concentrate na lang sa sarili naming buhay at sa aming munting negosyo.
Ang kailangan ko sa ngayon ay yung mga ok na business ideas na papatok sa tao.Yan ang kailangan ko i-research.
No comments:
Post a Comment