Sunday, December 27, 2009

Ang Pagpapasikat at Pamimintas

Sobrang nakakainis ang mga tao na bukod sa mahilig na magpasikat ay magaling pa mamintas ng kapwa.

Ok na sana yung magpasikat na lang pero yung pamimintas ay mahirap talaga palampasin lalo na kung ako yung pinipintasan. Ok sige maganda o pogi ka na kung iyon ang gusto mo palabasin pero sana hwag mo na ipamukha sa akin at sa ibang tao na pangit ako.

O kung may bago kang gamit or gadget, cellphone or digital camera na mamahalin, high tech at maganda sana ipagyabang mo na lang pero huwag mo na ikumpara doon sa nakayanan kong bilhin. Huwag mo na sana sabihin pa na mahinang klase yung nabili ko at walang tibay na maaasahan. Ok lang na sabihin mo iyon kung hiningi ko ang opinyon at palagay mo, otherwise, talagang namimintas ka na lang.

Ang hirap naman kasi sa iba, ang gusto nila ay sila lang ang nakakapagyabang. Pag may bagong gamit ay halos i-demo na nila ito sa mga kakilala at kasamahan. Tapos pag yung iba na ang nagyayabang ni hindi man lang pinapansin nung mga taong mas mayayabang pa. 

Make no mistake, hindi ako nagmamalinis. May kayabangan din ako kung minsan pero hindi ko gawain na mamintas at manghamak ng tao lalo na kung walang atraso sa akin. Kung meron man ako nasagasaan at napintasan hindi ko iyon sinadya at humihingi ako ng paumanhin pag na realize ko ang kamalian ko.

Kaya yung mga pasikat diyan, ingat lang sa pagyayabang at baka nahahaluan na ng pamimintas ang mga sinasabi nyo. At kung may tinatamaan man sa message kong ito, sorry na lang pero marahil ay guilty lang kayo.

2 comments:

  1. based on my experience, meron talagang mga tao na hindi "aware" sa kani-kanilang sarili, hehe...hindi kaya ng utak nila na lumagay sa situation ng iba...even in the family and relatives, hehe... hindi nila nauunawaan ang nakikita natin sa "angle of perspective" natin...
    nakakabanas pero we can't do anything, spice of life ika nga hehe.

    ReplyDelete