Almost three years na ang hobby na ito but I still feel that there is so much more to learn. My planted aquarium is beautiful (at least for me) but it is not in any way perfect or even close sa mga ibang setup ng other hobbyists.
Honestly, I don't even know the names of each plant inside my tank, konti lang ang alam kong pangalan. Yun mga isda sa aquarium ko medyo alam ko, I have a clown loach, two black mollies, two tiger barbs, flying fox, otocinclus, albino algae eater and some neon tetras. Aside from these creatures, meron din akong isang masipag na snail.
Ang problem ko lang talaga ay yun isang type ng algae, ayaw pansinin nung mga algae eaters ko. I already tried using an algae killer but did not help in getting rid of it. Siguro I just have to get rid of the plants na affected. Sayang nga lang pero I don't want the other plants to suffer.
I hope makakita ako ng solution sa internet.
'im just wondering kung papaanong hindi nalalanta ang mga water plants hehe...saan mo nga pala nakuha yang mga yan? kasi I tried to raise a simple kangkong (tru aquaponic) e karamihan e nalalanta ang stems...i make sure naman na ok yung ph level kasi iniwasan ko yung chlorinated water, and well-circulated naman yung tubig dahil sa pump at iilang mga isda... ang matibay lang e yung kalamansi seedlings, yun nga lang hindi lumalaki kahit 6 months na seedling pa rin..hehe
ReplyDelete(my blogsite ----- http://aquaponicsflyinggemsautotimer.blogspot.com/
Ah yun iba dyan galing sa ibang hobbyists, yun iban naman binili ko from Cartimar. Para hindi mamatay, need nila ng light. In my case, 8 hours ang ilaw. Tapos meron din liquid fertilizer at CO2 na kailangan din.
ReplyDeletePero may plants na ok lang kahit walang CO2 source na DIY lang or binili sa store. Yun CO2 source ko ay gawa lang sa tangke ng CO2 for airgun, tapos may needle valve para ma-regulate, at meron din diffuser.