Yan din ang mga tanong ko sa aking sarili matagal na. Kagaya mo, tumataya din ako sa lotto at nag-aasam na tumama dito. Matagal na rin akong nagbabakasakali dito gaya ng marami nating kababayan na matiyagang pumupunta at pumipila sa mga lotto outlets na nagkalat sa iba-ibang lugar.
Hindi na siguro maliit na halaga ang nagastos ko dito sa pagtaya mula pa nung buksan ito sa publiko. Binata pa ako noon at nag leave pa nga ako sa trabaho para lang paghandaan ang una kong pagtaya at mapag-isipan kung anong mga numero ang aking tatayaan.
Sari-saring pamamaraan ang aking ginamit at hinagilap sa internet para mapataas ang chance ng aking pagtama. Isa na rito ay ang paggamit ng lotto wheels na kung saan ang mga napili kong mga numero ay ihahanay o pagsasama-samahin sa iba-ibang kombinasyon batay sa isang "scientific method" para mabigyan ang tumataya ng garantiya na siya ay tatama kung sakaling lumitaw ang mga numero na kanyang pinili.(Pwede mong i-Google ang lotto wheels kung gusto mo ng mas malalim na paliwanag, pero kung may oras ako ay gagawa ako ng isang hiwalay na paksa tungkol dito, baka sakali lang...).
Bukod dito, meron din akong mga nakuhang mga "style" sa pagpili ng mga numero na kung iyong pag-aaralan ay para bang may matibay na basihan. Nagkalat sa internet ang mga iyan at ang iba pa nga ay may bayad pa. Isa na nga rin ako sa mga naloko ng mga mababait nating mga kaibigan sa internet. Bumili ako ng libro sa isang website dahil masyado akong bumilib sa kanilang "proven and scientific method". Tapos yun pala ay puro lotto wheels lang pala ang laman ng libro. Grabe, nakukuha lang ng libre yun kung hahanapin.
Pero ang lahat ng ito ay walang nagawa para manalo ako ng jackpot. Oo nanalo din naman ako sa ilang pagkakataon pero mga minor prizes lang. Ilang taon din ako tumaya pero wala pagbabago. Hanggang sa magsawa ako sa mga methods na napulot ko sa internet. Tumataya pa rin ako pero paminsan minsan na lang at hindi ko na masyadong pinag-iisipan pa ang mga numero na tatayaan ko. Minsan nga tinatamad na rin ako i-check kung tumama yung mag numero ko. Minsan ilang weeks sa pitaka ko yung lotto tickets pero pag sinipag akong mag check talo rin naman, kakainis lang.
Noong isang beses pa nga nagkaroon kami ng pagtatalo nung isa kong kasama sa trabaho. Hindi daw ako tatama sa lotto, matutuyo daw ang dagat pero hindi daw ako tatama dito. Ang sabi ko, alam ko maliit ang chance ko na manalo pero mali naman na sabihin na hindi ako tatama as in parang walang chance.
Siyempre naasar ako dahil kahit paano at kahit maliit ang chance umaasam ako na manalo tapos sasabihan ako ng ganun. Iba yung walang chance sa maliit ang chance. Kahit paano may maliit na probability.
Pero in fairness dun sa kasama kong iyon ( nagpapansinan na kami ulit ngayon), tuwing tataya ako at matatalo, parang gusto ko na rin maniwala na matutuyo ang dagat pero hindi ako tatama ng jackpot.
So in short, ano ba ang masasabi ko sa mga tumataya sa lotto? Eto ang ilan:
- Huwag maniwala at lalong huwag bumili ng inpormasyon o kagamitan na sinasabing makakapagpatama sa iyo sa lotto. Kung totoo yan malamang hindi na nila iyan ipagbibili at ililihim na lang. Isa pa, marami namang libreng impormasyon na makukuha sa internet basta maghanap ka lang
- Tumaya lang ng tama at huwag gumastos ng malaki. Ang hirap ng buhay ngayon di ba?
- Huwag makipagtalo ng dahil lang sa lotto. Isipin mo na mas malaki ang chance na ikaw ay matalo sa iyong pagtaya kaya palalakihin mo lang ang ulo ng kadiskusyon mo
- Kung natalo ka, isipin mo na lang na nagagamit sa pagtulong sa ibang tao ang perang galing sa taya ng mga tulad natin
- Kung sakali naman na dumating ang araw na ikaw ay manalo, please lang pahingi ng balato :) Joke lang po.
Posible ba talagang tumama ng jackpot sa lotto? Posible naman sa tingin ko pero lagi nating isipin na ito ay napakahirap abutin. Ang pagtaya dito ay hindi dapat gawing parang isang bisyo at lalong hindi dapat sandalan para sa ating kinabukasan.
Ating tandaan , maaaring hindi natin kayang utusan ang paglabas ng mga numero at mga bola ng lotto pero kaya nating utusan ang ating mga sarili upang gumawa ng ating sariling kapalaran.
totoo ka dyan...
ReplyDeleteako rin tumataya ng lotto baka skaling manalo..
(nanalo na kami once 20k lng pampaayos ng haus)
y not mas maganda db. hwag lng lumabis baka
mapahamak kn.
tama ka huwag gawin ntin sandalan ang pag taya ng lotto pra s kinabukasan ntin, ako madalas tumaya pero minsan lang manalo ng minor prizes. tnx
ReplyDeleteYaan mo pag tumama ako ng jackpot, may balato ka sakin. :) sure yan, manalo lng!
ReplyDeleteThanks sa balato ha, hehehe
ReplyDeletesana manalo din ako tulad ng ibah....
ReplyDeletedi naman siguro masama ang magbakasakali, malay natin ang swerte di ba? kung talagang ibibigay sa yo ang jackpot eh ibibigay sa yo, sabi nga kapag di ukol di bubukol....alam naman natin di ba na talagang may nakakakuha ng jackpot, na talagang may tumatama..ibig sabihin may pag-asa talaga na tumama ng jackpot, yun nga lang swertehan lang talaga....
Deleteyii
ReplyDeleteBossing pagnanalo ako sa jackpot. Babalatuhan kita.
ReplyDeletedati di ako naniniwala piro ng nanalo ako ng 20k totoo pala. kaya kung tumataya ka may chances kang manalo/
ReplyDeleteayos ang article nato guidelines para mamoderate ang pagtaya, maige na yung magbakasakali wala namang mawawala,tama yung wag gawing bisyo! thumbs up ��
ReplyDeletetotoong maliit ang chance na manalo, pero hindi masamnga mangarap, minsan, mapaglaro ang tadhana.. malay natin di ba? hihihi..
ReplyDeleteTama ka bro.. Pero s kin pag tumaya ka me pag asa. Pag wala kang taya mas lalong walang pag asa..
ReplyDeleteNow lang ako nakabalik dito sa blog after ilang taon. Salamat sa mga comment nyo
ReplyDeleteSana nasa ok kayo na kalagayan
ReplyDelete