Sunday, September 27, 2009

Mga Larawan Pagkatapos ng Ulan

Grabe ang ulan noong Sabado, Sept. 26,2009. Ok lang sana ang ulan kaso yung baha na dulot ng pag-ulan ang malaking perwisyo. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong baha. Sayang hindi ko nakunan ng pictures yung "action" noong araw na iyon lalo na yung paglusong ko sa baha na halos hanggang dibdib ko. May kailangan kasi akong bilihin kaya napilitan akong lumusong. Ang dami ko nakasalubong at nakasabay sa paglusong. Yung iba pa nga may mga naisip na pagkakakitaan sa baha. Sayang hindi ko napaghandaan at siempre inuna ko muna intindihin yung mga kailangan namin sa bahay.

Pero meron akong mga pictures nung umaga ng Linggo, Sept. 27.  Narito ang ilan:






Sa totoo lang, ang dami talaga naabala, naantala at naperwisyo noong araw na iyon at pati nang sumunod na araw. Hindi na nga gumagalaw ang mga sasakyan sa OsmeƱa Highway at doon na kumakain yung ibang mga tao sa kanilang sasakyan. Yun isang kasamahan ko sa trabaho nakasalubong ko pa nga kinabukasan, doon na daw siya natulog sa sasakyan nya at iniwan na lang niya sa daan ito para makauwi na.

Ang hirap talaga dito sa atin, sana naman may magawa ang mga kinauukulan para maiwasan ang mga ganitong mga problema sa pagbaha. Kasi kung minsan konting ulan lang bumabaha na at nakakaperwisyo din. Sana lang...






No comments:

Post a Comment