Sa totoo lang, dati ay lindol lang ang kinatatakutan ko na posible mangyari o dumating. Pero ngayon, pati ang pag-ulan ay nakakatakot na rin. Dati ay hindi ako nababagabag sa pag-ulan at pagbaha, medyo nakakainis lang dati dahil mahirap umuwi, mahirap sumakay, at siempre traffic.
Iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon. Tuwing umuulan, naiisip ko yung nagdaang bagyong Ondoy at ang pinsala at perwisyo na dulot nito. Ayoko nang maulit iyon at sana maging handa na tayong lahat kung may bagyo man na dumating. Lagi ko tuloy iniisip kung ano ang dapat ihanda na mga items may bagyo man o wala.
Yung ibang gamit nga namin ay hindi na namin ibinaba para hindi na kami mahirapan kung sakaling maulit ang pangyayari ( huwag naman sana). Bumili na rin kami ng maliliit na gamit na pwedeng tumakbo sa battery or ibang altenative na source ng electricity. Meron na kaming maliit na radio, maliit na TV at maliit na electric fan (ang hirap magpaypay, hehe). Nabili ko ng mura ang mga ito sa paborito kong lugar, ang Raon. Meron na rin kaming mga lamps at flashlight na pwedeng i-recharge. Mas ok na ito sa palagay ko sa halip na gumamit ng kandila na mas delikado pa kung tutuusin. Pero siempre, nag stock din kami ng kandila para meron pa kaming ibang options kung sakali.
Sa pagkain naman, naghanda na kami ng mga tuyo, sardinas, instant noodles, instant pansit, mga biscuits at mga pagkain na matagal ang shelf life. Ang kulang na lang talaga ay yung malalaking imbakan ng tubig na pwedeng unumin. Gusto ko nga rin sana makabili ng kahit maliit na electric generator pag nagkapera. Meron na kami DIY na solar power source na may 500 watts na inverter pero mukhang hindi yun enough at hindi tatagal ang charge ng battery. Pero siguro research ko muna mga options sa internet.
Sa gamot naman, siguro kailangan ko pa dagdagan ang stock ng mga common at madalas kailanganin. Grabe, paranoid na yata ako. Pero sa isang banda, ok na rin siguro, ang mahalaga ay laging maging handa. Hindi kasi natin alam kung ano mangyayari. Marami pa nga ako naiisip na ihanda kaso baka mapagkamalan na akong lukoluko o may sayad sa ulo. Gaya halimbawa ng isang DIY na bangka. Gusto ko sana magkaroon ng bangka para hindi na ako lulusong sa malalim na baha next time.
Bahala na, pero sana huwag na maulit ang ganung kalaking perwisyo sa atin. Lagi na lang sana tayong maging handa mga brothers and sisters, may bagyo man o wala, at kahit ano pa ang dumating. At sana matulungan din tayo ng ating gobyerno sa mga ganitong paghahanda.
No comments:
Post a Comment