Bilib ka ba sa sarili mo? Mataas ba ang tingin mo sa sarili mo o sadyang may self-confidence ka lang?
Walang masama kung ganyan ka sa sarili mo. Kailangan ng tao ang self-confidence para magawa ang mga bagay na dapat magawa. May mga nagsuri pa nga na nakatuklas na marami tayong hindi nakakayang gawin o nagagampanan sa pag-aakala na hindi kaya o imposibleng magawa ang mga bagay na iyon.
Walang masama na bumilib sa ating sarili basta alam natin ang ating mga limitations bilang tao. Masama naman na mag-isip tayo ng higit sa nararapat isipin. Hindi na self-confidence iyon kundi kapalaluan, kayabangan at kung talagang sobra ay pwde ng matawag na kahibangan. Isa pa, kailangan nating kilalanin at tanggapin kung hanggang saan lang tayo at ng sa ganon ay magroon tayo ng "room for improvement" sa pag-asa na mapabuti pa ang ating mga sarili.
Wala rin masama na bumilib tayo sa ating mga sarili kung hindi natin minamata o minamaliit ang ating kapwa tao. Ang sobrang paghanga o pagkabilib sa sarili kung minsan ay nagiging kayabangan na nagtutulak sa tao para maging mapagmataas at mapanghamak sa kapwa. Meron nga akong kilala na wala naman talagang maipagmamalaki pero sobrang bilib sa sarili. Akala mo kung sino kung magsalita at kung hindi ko siya talaga kilala ay iisipin ko na magaling at matinong tao siya. Hindi siya marunong makisama at parang ang tingin niya sa tao ay puro walang kwenta na akala mo ay perfect siya sa lahat ng bagay.
Bilib ka ba at hanga sa sarili mo? Mabuti kung ganon. Pero sana lang, huwag kang pumaris doon sa kilala ko.
No comments:
Post a Comment