Ang dami talaga namin work ngayon. Ang isa nga lang sa magagandang part ng work namin ay yun bang nakakapunta kami sa iba ibang lugar kung minsan.
Gaya this week, pumunta kami ng kumpare ko sa Davao office namin para ayusin mga computers namin doon. May bago kasi kaming loadset na kailangan namin i-deploy doon.
Two days lang kaming dalawa doon kung kaya bawat minuto ay mahalaga para matapos kami agad at ng makauwi sa aming mga pamilya. Bukod sa loadset, kailangan din namin i setup ang aming wireless network doon, configure ang email, mag install ng iFolder client sa mga computers, at siguraduhin na gumagana ang aming VPN connection papunta sa Makati.
Medyo matrabaho at talaga namang mabilisan pero pinilit naming dalawa na maging smooth ang work namin. Mabuti na lang at very accomodating ang mga tao doon lalo na ang main contact person namin doon. Bukod sa dalawang free lunch ay binigyan nya pa kami ng meryendang durian at mga pabaon na pasalubong pa. Parang bibitayin nga kaming dalawa ng kumpare ko sa dami ba naman ng pagkain na pwedeng pagpilian (sa eat-all-you-can ba naman kami dinala ng dalawang beses eh).
Buti na lang yung kasama ko ay mabilis ang panunaw niya. Dalawang beses niyang nailabas ang mga kinain niya samantalang ako ay baka sa pag-uwi na makapag "release".
Siguro ay dapat matuto na rin ako ng disiplinang alam ng kumpare ko para maging mahusay din ang digestive system ko. Hihingi ako sa kanya ng mga tips at ilalagay ko dito sa blog para makinabang din ang ibang mga tao na health conscious din.
Antay-antayin na lang po natin mga kaibigan.
No comments:
Post a Comment