Mahilig ka bang magyabang, magpasikat at magpahangin? O talagang papansin ka lang sa mga kakilala mo?
Siguro hindi iilan sa atin ang guilty sa mga gawaing iyan. Mayroong mga taong sadya, tahasan o diretsahan kung magyabang at mayroon naman mga taong "simple lang kung magpasiklab". Tama o mali?
Mayroong nagyayabang na may halo pang insulto at pamimintas sa kapwa nya para mapatingkad lang kung ano man yung kanyang ipinagyayabang. Ikunukumpara nya yung kanya sa iba para mapansin ng tao yung pagiging angat niya.
Mayroon ding mayayabang na naghihintay ng pagkakataon na mapansin kusa yung gusto nyang ipagyabang at saka lang siya magsasalita. Hindi siya tulad ng iba na hindi makahintay na hindi maipagparangya ang sarili niya o kung ano man yung mayroon siya (mamahaling relo, sasakyan, girlfriend, bahay,pera, atbp).
Pero sa totoo lang, kung minsan ay hindi rin talaga natin matiis na hindi magyabang kahit man lang sa magulang natin, mga kapatid o kasambahay natin. At siguro sila din yung mga taong makakaunawa sa atin at mas nakakakilala sa atin. At sa palagay ko, tama lang din naman na ipagyabang natin sa kanila at ipaalam sa kanila yung mga bagay na nakuha at narating natin sa buhay kung mayroon man.
Para sa akin, mayroong pagyayabang na wala sa lugar at dapat iwasan para hindi kainisan. Lalo na kung wala at malayo naman sa katotohanan yung ipinagyayabang.
Ang payo ko lang sa mayayabang, sana yung totoo lang yung ipagyabang at iwasan yung magkumpara at mag-insulto o mamintas ng iba.
No comments:
Post a Comment