Monday, September 21, 2009
Robot sa Raon
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakagawa ng mga electronic projects at sa ngayon ay medyo "kinakalawang" na nga yata sa ako sa electronics, baka hindi na nga steady ang mga kamay ko para gumamit ulit ng soldering iron.
Nung minsan, napagawi ako sa Sta. Cruz, Manila, dun ba sa kalsada na kung tawagin ngayon ay Gonzalo Puyat pero mas kilala dati sa pangalang Raon. Sa mga mahilig sa electronics, kilala ang Raon na bilihan ng mga piyesa ng TV, radyo, at iba pang kasangkapan o aparato na tumatakbo sa kuryente.
Pero sa ngayon, hindi lang siguro sa electronics kilala ang Raon. Nagkalat na rin dito ang mga nagbebenta ng mga pirated na DVD, bola-bola, kalamares, kikiam, one-day old chick at ang paborito kong tokneneng (na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magaya-gaya sa bahay at laging palpak ang luto).
Sa paglibot-libot ko sa Raon, nadaanan ko ang isang shop na hindi ko na babanggitin ang pangalan. Kilala ang shop na ito sa mga tinda nitong electronic books, magazines, circuits at spare parts. Ang huling punta ko dito ay medyo matagal na at iyon ay nung time na nahihilig ako sa pag assemble ng mga simpleng robots na sa bandang huli ay nilimot ko rin dahil walang mabiling parts dito sa atin.
Pero mukhang mabubuhay ulit ang dating hilig ko nang makita ko sa shop ang ilang robot kits na ipinagbibili nila doon. Isa na dito ay yung Bioloid Robotic Kit na sa unang tingin ko pa lang ay mukhang hindi bababa sa sampung libong piso. Gusto ko sana mabuksan at makita ang laman ng kahon nito pero nagdalawang isip ako dahil wala naman akong budget o pambili nito.
Pero sa tingin ko ay mukhang maganda ang robot na iyon at hindi tulad ng mga robot na sinubukan kong mabuo noon. May programming na involve dito sa palagay ko dahil mukhang complicated ang mga movements nito.
So ang nangyari umuwi na lang ako para mag-Google at maghanap ng additional info tungkol sa Bioloid. Sobrang galing talaga ng Google kaya konting clicks lang nahanap ko na yung kailangan ko. Nakapag download ako ng PDF manual ng robot at ilang videos nito. Ok pala talaga ang Bioloid, maraming possible na configuration options at modular kaya pwede gumawa ng iba-ibang robot using yung parts na kasama sa kahon.
Ang paborito ko ay yung humanoid na robot. Ok na ok at talagang nakakabilib talaga. Puwede mo siya pasayawin, palakarin, pahigain at padapain. Yung may-ari ang bahalang magpagalaw sa robot. Para pala itong hightech na puppet kumbaga. Hindi ko pa nababasa ng buo yung manual pero ang dami talaga options.
Tapos nalaman ko rin na yung beginner kit ay mga 15K ang presyo so yung more advanced na kit sa tingin ko ay 40 to 50K siguro. Eto yung kailangan para mabuo yung humanoid.
Sayang ang mahal pala, kung magkapera man ako baka hindi rin ako makabili. Siempre unahin ko muna yung mas importante, pero kung magkakaroon ako ng extra money talaga na sapat baka sakaling bumili ako... hindi naman kasi ako rich kid.
Kailan kaya nila ibibenta ng limang daan yun?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment