Naniniwala ka ba sa multo? Nakakita ka na ba nito o nakarinig at nakabasa lang ng sari-saring kuwento tungkol sa multo?
Mula pa sa pagkabata, marami na akong napanuod na mga pelikula sa TV at sinehan na nagpapakita ng mga istorya ng pagpapakita ng mga multo. Marami na rin akong narinig sa mga bata at matanda na nagsasabi na nakakita na sila ng multo. At sa totoo lang, naranasan ko na ring matakot sa dilim o sa isang lugar dahil sa mga "kakaibang pakiramdam" noong ako ay bata pa.
Pero ngayong ako ay may edad na, naisip ko lang na parang walang saysay na matakot o maniwala sa multo lalo na kung ang pagbabasihan ay ang mga karaniwang nakikitang multo sa mga palabas at pelikulang Filipino o banyaga man. Naisip ko lang, kung meron mang totoong multo, sa tingin ko ay iba sa mga napapanuod natin.
Kung ang mga multo ay ang mga kaluluwang nagbabalik at nagpapakita sa mga taong nabubuhay pa, bakit may mga suot na damit ang mga ito? At kung minsan ay bihis na bihis pa nga na parang may pupuntahan na pagtitipon o handaan. Kung ang kaluluwa ng tao ay walang "material existence" ay paano mangyayari na makapagsuot pa sila ng damit? Pati ba ang mga damit at kasuotan ay may kakayanan din ba na magmulto? Pwede ba kumapit ang damit sa kaluluwa ng tao?
Hindi ako nagkukunwari na expert sa ganitong topic pero sa palagay ko naman ay may point ang mga tanong ko na ito sa mga naniniwala sa multo. Kung meron mang multo na nagpapakita, malamang ay wala itong damit o nakahubad. Kaya sa tingin ko talaga ay dapat pagdudahan yung mga nagsasabi na nakakita na sila ng multo lalo na kung sinasabi pa nila na nakasuot ng puti o may dalang isang bagay na importante dun sa taong namayapa na.
Pero para sa akin, hindi tayo dapat maniwala sa multo may damit man o wala.
Test lang po ito... Ginoong mannunulat, mukhang matindi po ang mga sinusulat nyo... palagay ko po ay isa kayong dalubhasa sa larangan ng mga pagsusuri. Malapad po siguro at malawak ang inyong
ReplyDeletepananaw sa buhay buhay at bagay bagay sa mundo. Tanong lang po, hindi po ba nakakanipis o nakakakalbo ng buhok ang ganitong katangian?
Salamat sa oras mo kaibigan at ganun din sa iyong komento. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kaalaman sa iba't ibang topic.
ReplyDeleteSana ay huwag lang tayong magsawa sa pagkuha ng kaalaman.
Hindi naman po nakakanipis ng buhok masyado...konti lang, hehe
GINOONG MANUNULAT GUSTO KO PO SANANG MAG BIGAY NG AKING KARANASAN. HINDI KO PO KASE MASBE SA AKING MGA KASAMA DITO SA BHAY DHIL BKA ISIPIN NILANG NALOLOKA AKO.
ReplyDeleteNAPAKAHUSAY !
ReplyDelete