Friday, October 23, 2009

Paalala sa mga Riders: Gumamit tayo ng Protective Gear

Almost one year pa lang mula nang matuto akong sumakay at magmaneho ng motorsiklo. Sa tulong ng kapatid ko at sa mga tutorials at videos mula sa internet ay natuto ako nito after one month mula nang bilin namin ang sasakyan last year. Two years to pay ito at meron pa akong natitirang mahigit one year para bayaran ito.

Noong una ay ang free helmet na kasama ng motorsiklo lang ang gamit ko sa tuwing magda drive ako nito. May kamahalan kasi ang mga gamit sa pagmamaneho kaya hindi ako bumili nito at sa isip ko ay maliit lang naman siguro ang chance na ako ay maaksidente. Maingat kasi ako at mabagal magpatakbo ( mabilis na siguro ang 60KPH) kaya't hindi ako gumamit ng mga ito. Naisip ko rin na parang ang hirap kumilos kung magsusuot ako ng protection at baka mas lalo lang akong maaksidente dahil dito.

Pero sa totoo lang ay magandang tingnan ang isang rider na may protective gear sa katawan. Dagdag pogi points sabi nga ng ibang mayayabang na riders kaya kahit paano ay parang gusto ko ring magsuot nito.Marami din akong nababalitaan na naaaksidente sa pagmomotor kung kaya pinag-isipan ko rin ang pagbili ng mga gamit na ito.

May nag advise pa nga sa akin na ang bilin ko ay yung original na sa halip na yung mga nakikita sa mga bangketa ng Quiapo. Pero kung titingnan mo ay parang wala naman pinagkaiba yung mga itinitinda dun kung ikukumpara sa original na sinasabi nila.Ewan ko kung mali ako pero ito ang pinili kong bilin noong minsan na pumunta kami ng asawa ko sa Quiapo. Isang pares na "Pro-Biker" gloves, isang pares na "Fox" armor sa braso at siko, at isang pares naman para sa binti at tuhod. Ang kulang ko na lang ay ang "full face helmet" na sabi ko ay next time ko na lang bibilin.

Pagkatapos noon ay excited akong umuwi ng bahay para masubukan agad ang bagong biling gamit. Hindi ko kasi dinadala ang motor pag kasama ko ang asawa ko. Dali-dali kong isinuot ang mga ito pagdating ng bahay at gaya ng inaasahan ko, medyo mahirap nga kumilos pag nakasuot ang mga ito at medyo nagmukha pa akong robot.

Pagkatapos tumingin sa salamin ay mabilis akong sumakay sa motor. Pinaandar ko ang sasakyan at pumunta sa Vito Cruz at bumalik din agad para lang magka idea ako kung ano feeling ng magdrive na may suot na protective gear. Medyo ok na rin at inisip ko na lang na kailgangan ko ito makasanayan para na rin sa aking protection.

So for the next few days, ginamit ko yung protective gear. Medyo nakakaasiwa din pala  pero tiniis ko na lang. Hanggang sa dumating yung araw na kailangan ko na ulit maghulog nung monthly ko sa motor. As usual, nagmotor ako papunta doon kahit medyo late na nung araw na iyon. Ok naman biyahe ko papunta doon. Noong pauwi na ako, medyo nag-alanganin ako kung sa saan ako dadaan. Kasi medyo late na nga at alam kong lalong traffic na dun sa dati kong daanan pauwi.

Nag-decide ako na sa Taft Avenue na lang ako dumaan. Tapos nung malapit na ako sa may kanto ng Taft at Kalaw, nagulat na lang ako nang makita ko na may paparating na taxi sa bandang kanan ko. Napakabilis ng sumunod na pangyayari. Nakita ko na lang  na nasa semento na ako at yung motor ko ay nakatumba na. May narinig pa nga ako na mga tao na napasigaw.

Ang unang reaction ko nung may mga taong lumapit sa akin ay tanungin sila kung may dugo ba ako. May mga bata din na nag-usyoso at nagsabi "Kuya, buti na lang may suot kang ganyan.". Gumulo ang isip ko, tinanong ako ng  taxi driver kung ok lang daw ako. Wala naman daw nangyari sa mga pasehero niya.

Hindi ko alam kung sino saming dalawa ang nagkamali sa pangyayaring iyon. Pero natapos naman ang lahat sa mabuting usapan kahit nagastusan ako. Ok na sa aking iyon, ang importante ay walang nasaktan.

Noon ko nasip na saktong-sakto ang pagkakabili ko ng protective gear. Noon ko naisip na kailangan doble ingat ako at napakabilis ng mga posibleng mangyari. Bumili ako agad ng full face helmet at ng spine protector. Mula noon ay hindi na ako nagmamaneho ng motor na walang protective gear sa katawan.

Ang payo ko sa lahat ng mahilig magmotor lalo na sa mga kabataan na mabibilis magpatakbo na parang walang takot, mag ingat sa pagmamaneho. Kahit man lang helmet sana magsuot kayo, hindi biro ang madisgrasya at lalong hindi biro ang makadisgrasya.

Thursday, October 22, 2009

Ang Hirap ang Daming Kailangan

Ang hirap talaga, ang daming kailangan. Ang dami naming work sa company ngayon.

Kailangan magbasa , sumagot ng e-mail at mag process ng e-mail requests. Kailangan sumagot ng phone, mag update ng inventory, mag update at mag submit ng reports. Kailangan ma meet ang deadlines, ma complete ang projects, meeting dito meeting doon, mag troubleshoot at mag solve ng problems. Kailangan din mag research at mag experiment.

Ang hirap pag nagkakasabay, nakakalito at nakakaloko. Parang feeling mo lagi kang busy pero parang wala ka din naman masyadong naa-accomplish. Hindi ko na nga alam kung minsan kung tamad lang ba ako, or kung wala akong alam sa work namin or kung hindi ako efficient na employee kaya ako nahihirapan or kung talagang normal  lang na mag  fail ako sa dapat kong gawin. Tapos kung minsan mapapagalitan pa kapag meron hindi nagawa. Kung pwede nga lang mag resign ginawa ko na. Sa hirap ng buhay ngayon hindi pwede na mawalan ng trabaho. Meron na ako maliit na business ngayon pero hindi sapat ang kita namin doon para mag decide ako na mag resign.

Hindi naman ako pwede umasa sa suerte at lalo na sa lotto. At sa totoo lang, gusto ko na talaga makawala sa 'tali' ng kompanya. Kaya lang naisip ko mas mahirap yung wala tayong maaasahang income. Pero sa isang banda, kailangan ko bang pahirapan ang sarili ko ng husto para kumita ng pera? Mabuti na lang at may mga kasama ako sa work na matiyaga at gusto ring matapos ang lahat ng mga kailangang gawin, salamat sa inyo mga kasama ko, alam nyo kung sino kayo.

Sa ngayon, ang magagawa ko lang ay pagbutihin ang work sa company at ayusin din yung maliit na business namin ng asawa ko. Pero sana dumating yun time na pwede na ako mag resign at mag concentrate na lang sa sarili naming buhay at sa aming munting negosyo.

Ang kailangan ko sa ngayon ay yung mga ok na business ideas na papatok sa tao.Yan ang kailangan ko i-research.

Wednesday, October 21, 2009

Pag-ulan - Nakakatakot na Ngayon

Sa totoo lang, dati ay lindol lang ang kinatatakutan ko na posible mangyari o dumating. Pero ngayon, pati ang pag-ulan ay nakakatakot na rin. Dati ay hindi ako nababagabag sa pag-ulan at pagbaha, medyo nakakainis lang dati dahil mahirap umuwi, mahirap sumakay, at siempre traffic.

Iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon. Tuwing umuulan, naiisip ko yung nagdaang bagyong Ondoy at ang pinsala at perwisyo na dulot nito. Ayoko nang maulit iyon at sana maging handa na tayong lahat kung may bagyo man na dumating. Lagi ko tuloy iniisip kung ano ang dapat ihanda na mga items may bagyo man o wala.

Yung ibang gamit nga namin ay hindi na namin ibinaba para hindi na kami mahirapan kung sakaling maulit ang pangyayari ( huwag naman sana). Bumili na rin kami ng maliliit na gamit na pwedeng tumakbo sa battery or ibang altenative na source ng electricity. Meron na kaming maliit na radio, maliit na TV at maliit na electric fan (ang hirap magpaypay, hehe). Nabili ko ng mura ang mga ito sa paborito kong lugar, ang Raon. Meron na rin kaming mga lamps at flashlight na pwedeng i-recharge. Mas ok na ito sa palagay ko sa halip na gumamit ng kandila na mas delikado pa kung tutuusin. Pero siempre, nag stock din kami ng kandila para meron pa kaming ibang options kung sakali.

Sa pagkain naman, naghanda na kami ng mga tuyo, sardinas, instant noodles, instant pansit, mga biscuits at mga pagkain na matagal ang shelf life. Ang kulang na lang talaga ay yung malalaking imbakan ng tubig na pwedeng unumin. Gusto ko nga rin sana makabili ng kahit maliit na electric generator pag nagkapera. Meron na kami DIY na solar power source na may 500 watts na inverter pero mukhang hindi yun enough at hindi tatagal ang charge ng battery. Pero siguro research ko muna mga options sa internet.

Sa gamot naman, siguro kailangan ko pa dagdagan ang stock ng mga common at madalas kailanganin. Grabe, paranoid na yata ako. Pero sa isang banda, ok na rin siguro, ang mahalaga ay laging maging handa. Hindi kasi natin alam kung ano mangyayari. Marami pa nga ako naiisip na ihanda kaso baka mapagkamalan na akong lukoluko o may sayad sa ulo. Gaya halimbawa ng isang DIY na bangka. Gusto ko sana magkaroon ng bangka para hindi na ako lulusong sa malalim na baha next time.

Bahala na, pero sana huwag na maulit ang ganung kalaking perwisyo sa atin. Lagi na lang sana tayong maging handa mga brothers and sisters, may bagyo man o wala, at kahit ano pa ang dumating. At sana matulungan din tayo ng ating gobyerno sa mga ganitong paghahanda.

Monday, October 12, 2009

Multo sa Kabilang Kwarto

Gaya ng naipahiwatig ko na sa unang post ko sa blog na ito, ayoko talaga maniwala sa multo. Pero may isang pangyayari na magpapabago yata sa paniniwala kong ito. Share ko lang sa inyo ang story ko.

Bagong lipat lang kami ng asawa ko sa bahay na tinutuluyan namin ngayon. Hindi ito masyadong malayo sa dati naming bahay at sa company na pinapasukan ko. Isang lingo pa lang noon ay napansin ko na madalas nagla lock ang doorknob ng isa naming kwarto sa itaas ng aming bahay. Hindi naman nakasara yung pinto pero yung pinaka-lock ng doorknob ay madalas na nakakandado.

Tinanong ko ang mga kasama ko sa bahay at sinabihan na ingatan na huwag mai-lock ang knob para pagdating ko ay makakapasok agad ako sa kwarto para magbihis. Hindi naman daw nila ginagalaw yung knob kaya medyo nagtaka ako at nag-isip. Pero kinalimutan ko na lang ang bagay na iyon.

Kaya lang, nitong huli ay medyo nainis ako. Pagpanik ko sa kwartong iyon ay nakita ko na naka-lock na naman ang knob. This time, nakasara na ang pinto kaya hindi ako nakapasok agad at kailangan ko pa kunin ang susi. Tinanong ko uli ang ang mga kasama ko at pinagsabihan pero talagang hindi naman daw nila ginagalaw ang kandado ng pinto.

Pinalampas ko na lang ulit ang pangyayari. Pero laking gulat ko ng sumunod na gabi ay naka-lock na naman ang knob. Inalis ko na lang ulit ang lock at nagtanong ulit. Gaya ng dati, ganoon pa rin ang sagot nila. Kaya bumaba na lang ako at kumain habang nagkukwentuhan silang tatlo sa ibaba ng bahay.

Heto ngayon ang sumunod na pangyayari. May kailangan akong kunin sa kabilang kwarto na madalas mag-lock kaya pumanik ako ulit. Na curious akong i-check ang doorknob at sa laking gulat ko ay naka-lock na naman ito! Kanina lang bago ako bumaba ay sinigurado ko na nai-unlock ko na ito.

Sa totoo lang ay medyo kinabahan na ako. Noon ko napatunayan na talagang kusa itong nagla-lock dahil lahat kami ay nasa baba ng bahay. Sinabi ko na ito sa mga kasama ko at sinabi nila na hayaan ko na lang na ganoon.

So ang ginawa ko ay nag-unlock na lang ulit ako at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko sa ibaba. Pero dahil sa sobrang pagtataka, muli akong bumalik sa kwarto para i-check ang knob. Pagharap ko sa pinto at mabilis kong hinawakan ang knob para alamin kung nag-lock na naman ito o hindi. Hayun, hindi ito nag-lock mag-isa this time. Naisipan ko lang na magkunwari na lumayo ng konti sa pinto pero dali-dali din na bumalik para hawakan ulit ang knob. Naku po! Naka-lock na naman ang doorknob!

Dahil dito, pumunta na ako sa kapatid ko sa kabilang bahay para mapapunta yung marunong mag-check at mag-ayos ng kandado. Sinabi ko na rin ang totoo kaya na curious na rin ang kapatid ko at sumama na siya para tingnan kung totoo ang sinasabi ko o hindi.

Gaya ng madalas na pangyayari sa mga pelikula, napahiya ako sa kanya dahil hindi naman nag-lock ang doorknob. Pero nangako pa rin siya na papupuntahin niya kinabukasan ang gagawa ng pinto. Natulog na lang ako at kinalimutan pansamantala ang nangyari.

Kinabukasan ay naligo ako at naghanda sa pagpasok sa trabaho. Kinailangan kong pumunta ulit sa kabilang kwarto dahil doon ang aking bihisan. Sinubukan ko ulit ang doorknob pero hindi ito naka-lock. Muli akong lumayo sa pinto. At sa aking paglayo ay narinig ko na tumama ang pinto sa dingding ng kwarto. Bumalik ako dito para tingnan ang doorknob. At gaya ng dati, muli itong nag-lock!

Pero this time ay hindi na akong masyadong kinabahan dahil may nabuo ng theory sa aking isipan nang marinig kong tumama ang pinto sa dingding kanina. Tinanggal ko sa pagkandado ang knob at marahang itinulak ang pinto para tumama ang doorknob sa dingding.

Ayun, tama ang aking naging sapantaha! Nagla-lock kusa ang doorknob kapag tumatama ito sa dingding. Siguro ay tumatama ito kung minsan sa dingding kapag nahihipan ng hangin o kung naitutulak kung minsan ng mga kasama ko sa bahay. Ito pala talaga ang dahilan at paliwanag na aking hinahanap.

Pero siempre kailangan ko pa rin siguro patingnan ang doorknob dahil sobrang dali naman nito mag-lock sa konting tulak lang at konting pagtama lang nito sa dingding. At siempre nawala na rin ang aking kaba.

Natawa na lang kaming magkakasasama sa aming bagong tuklas na paliwanag. At siempre ganun na rin ang naging reaction ng kapatid ko.

Ayos!